Binigyan-diin ni CBCP Permanent Committee on Cultural Heritage of the Church chairman Kalookan Bishop Pablo Virgilio David na napakahalaga ng “spiritual solidarity o pagbubuklod” ng iba’t-ibang religious sectors sa pananalangin para sa kapayapaan.
Ayon sa Balitang Ahesiya ng Ahlul-bayt (ABNA24) - Ayon kay Bishop David, ang pagkakaisa sa pananalangin o spiritual solidarity ay isang malakas na sandata ng mamamayan sa anumang hamon ng karahasan, terorismo at pagsubok sa buhay.
“Kailangan magkaisa tayo, magkabuklod tayo spiritually para magkaroon tayo ng spiritual solidarity malaking bagay ‘yun,” pahayag ni Bishop David.
Kaugnay nito, pinuri at ikinatuwa ni Bishop David ang sama-samang pananalangin ng Simbahang Katolika, United Church of Christ in the Philippines, Iglesia Filipina Indepediente, at iba pang religious organizations sa “one minute prayer for peace initiative” ni Pope Francis.
11 Hunyo 2017 - 23:20
News ID: 835884